Hayan... just to make sure na hind na mabubura itong nobela kong post, gumamit muna ko ng notepad. Mag-copy-paste na lang ako from now on para hindi ko na uli maramdaman ang ganung frustration.
Mabalik lang... kaya ganyan ang topic ng post ko eh dahil gusto ko malaman nyo ang mga pinaggagagawa ko sa opis. Minsan, talagang mahirap, lalo na pag natamabakan ako ng gawain --- na nangyari sakin nung binulutong ako. tsk.. tsk.. Halos 1 buong linggo ang ginugol ko sa upuan ko para makahabol..kasakit kaya ng ulo yun. Hay... bawal talaga magkasakit! Pati bulsa ko butas sa gamot. Saka yung mga anak ko dun eh napapariwara pag wala ang mother hen..tinotopak sila...hehe. Pero kadalasan, enjoy at masaya kasi nakikita mo yung bunga ng mga paghihirap mo. Tulad na lang nitong nakaraang buwan, sa wakas, na-hit na rin ng team ko ang lahat ng target namin. Sobrang tuwa ako! At alam ko, pati sila, nasiyahan sa bunga ng mga paghihirap nila. Laking pasalamat ko dahil, kahit may mga pasaway man, lahat sila eh nasunod naman sakin.
Ang bilis lumipas ng linggo, halos hindi ko na maalala kung anu-anu ang mga pinaggagagawa ko nitong nakaraan. Pero try ko ha..
Eto na nga, nung lunes, dahil simula ng linggo, medyo tinatamaan pa ng 1st-day syndrome ang mga tao ko. Kaya naman para sumaya sila ng konti eh, binigyan ko ng sugar rush. Nagpamudmud ako ng choki-choki (at promise, pinatos nila yun..hehehe..cuteness di ba). Eh di medyo nahyper yung iba. At least nagising sila. Tapos nung Tuesday, chika day ang tawag ko dito. Kasi wala ako ginawa buong araw na yun kundi kausapin mga tao ko. Nakikbalita at nangangamusta kung anu mga nangyayari sa kanila. Yung iba, masinsinang pag-uusap, yung iba tawanan. Ganun kasi ako, pag-session na namin, nagpapakuwento talaga ako.
At dahil sa talagang gusto ko silang i-appreciate sa performance nila nung May. Nagbalak ako magpa-pizza nung Wednesday na yun. Super hanap pa ko ng isang TL na pwedeng mahiraman ng corporate credit card, wala pa kasi ako nun at nagka-aberya sa application ko. Nung nakahiram na ko, aba! Ang 24-hour open na yellow cab nagsara! Nadisappoint ako. Kasi nasabi ko na sa mga tao ko tapos biglang walang dala si ako. Hayz... Pati tuloy sila nalungkot, pero nangako naman ako na babawi sa kanila. Kinabukasan, tinuloy ko na talaga ang pagpapa-pizza sa kanila. Di na ko naghanap ng mahihiraman ng card, ako na muna ang gumastos kahit 100 pesos lang ang natira sakin.. kaloka. Pero okay lang, nung nakita ko naman mga mukha nila habang kumakain.. bawing-bawi din ang pag-aalala ko. Alam nila na para sa kanila talaga yun at deserving din naman sila dahil sa pinaghirapan nila yun. (sayang nga lang at hindi ko naispan kunan yung pizza. tsk.. tsk..) Bukod pa sa pizza, mega off the phones din sila dahil nag-pa meeting ako bawat "Courts" (yun yung mga grupo-grupong binuo ko nung April). Nag-define kami ng mga goals nila for this month. Nakakaloka lang dahil sa sobrang saya nila nung araw na yun, nag-make up ba naman habang nagtratrabaho. Mayron kasi samin na nag-aaral ng pagme-make up. At take note, di lang basta basta ito. Pag nakita mo gamit nya, kumpleto mga brushes.. pati mga pang-kolorete sa mukha. Pati nga ako nabiktima, yan ang kinalabasan.

ok ba?

make-up courtesy of Gen
Nung Friday naman, gumala sa floor namin yung mga nanalo sa Flores de Mayo (isa to sa mga ginawang activity ng company namin).

MJ, Hershey and Ash
Walang nasabi beauty ko dito. Sobrang naaliw ako sa kanila kasi 2 dun sa nanalo eh kaibigan ko... sayang nga lang at hindi ko napanuod yung mismong coronation. Umuulan kasi ng malakas nung araw na yun, kainis nga at late ako ng 6 minutes dahil sa sooooobbbbrang traffic! Swear! Pati mga tao ko late kasi bumabaha na sa lugar nila. Buti na lang, shorts day nung araw na yun. At halos lahat ng lalaki sa team ko eh mga naka-shorts.
Joel, Derek, Carlo
Natuwa tuloy ako kunan sila. Wala na nga lang si Marco at nakauwi na. Siguro naman kahit papaano eh naging komportable sila. Tingnan nyo naman, parang nautusan lang bumili ng suka sa mall (hindi kanto, naka sapatos kasi eh).
Hay.. anu naman kaya happenings nitong susunod na linggo? Excited na ko.. :)